{"id":705,"date":"2011-08-19T02:14:07","date_gmt":"2011-08-19T02:14:07","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=705"},"modified":"2012-09-23T16:31:10","modified_gmt":"2012-09-23T16:31:10","slug":"x","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/08\/19\/x\/","title":{"rendered":"X"},"content":{"rendered":"<div id='gallery-1' class='gallery galleryid-705 gallery-columns-4 gallery-size-thumbnail'><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0264.jpg' rel=\"lightbox[705]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0264-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0264-150x150.jpg 150w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0264-100x100.jpg 100w\" sizes=\"(max-width: 150px) 100vw, 150px\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0260.jpg' rel=\"lightbox[705]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0260-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0260-150x150.jpg 150w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0260-100x100.jpg 100w\" sizes=\"(max-width: 150px) 100vw, 150px\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0248.jpg' rel=\"lightbox[705]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0248-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0236.jpg' rel=\"lightbox[705]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0236-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0228.jpg' rel=\"lightbox[705]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0228-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0204.jpg' rel=\"lightbox[705]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0204-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0200.jpg' rel=\"lightbox[705]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0200-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0131.jpg' rel=\"lightbox[705]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0131-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0110.jpg' rel=\"lightbox[705]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0110-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0079.jpg' rel=\"lightbox[705]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0079-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0054.jpg' rel=\"lightbox[705]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0054-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0030.jpg' rel=\"lightbox[705]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/08\/DSC0030-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure>\n\t\t<\/div>\n\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><strong>Ilang Tala tungkol sa Rizal X<\/strong><\/p>\n<p><strong>\u00a0<\/strong><\/p>\n<p>1.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Laro ang isa sa mga malakas na imahen ng produksyon.\u00a0 Magsisimula ang palabas sa pagtatagpo sa palaruan, bawat isang artista\u2019y may bakas ng ngiti at excitement sa mukha.\u00a0 Isa itong imbitasyon sa mga tagapanood, isa ring paglalatag\/paghahayag: masaya\/may saya sa aming palabas.\u00a0 May dalawang posibilidad ang ganitong paglalatag\/paghahayag.\u00a0\u00a0 Maaari siyang maging statement sa kung paano dapat\u00a0 tingnan ang panitikan at sining, maaaring pagpapaisip ito sa ating boundaries ng pagiging interesting at insightful, maaaring pagdidiin ito sa atin na bakit ang sining at panitikan ay inaakusahang may lalim pero madalas ay nakakabagot at seryoso, na bakit sa mga laro\u2014lalo na sa pagbuo ng videogames, halimbawa\u2014bakit ang prayoridad sa pagbuo nito ay masigurong magiging masaya ang makakaranas nito?\u00a0 Sa kabilang banda\u2014kung ito nga\u2019y nasa ibang polaridad ng unang posibilidad\u2014pwede ring tingnan ang laro bilang paghahanda sa tagapanood, isang babala sa kung paano dapat basahin ang <em>Rizal X, <\/em>ang pambansang bayani at ang konsepto ng pagkabayani at pagkamakabayan mismo.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Ang laro bilang isang akademikong paksa ay nakawiwiling isiwalat.\u00a0 Maaaring tingnan ang laro bilang pagtatayo ng istruktura sa ating mga sarili habang tayo\u2019y lumalaki sa isang lipunan.\u00a0 Sa bawat laro, palaging may tauhan (ang \u201cplayer\u201d o kalahok na pwedeng maging taya o tinataya, hinahabol at nagpapahabol, nagtatago at tinataguan), may lugar na pagdarausan ng ritwal\u2014ang \u201cpalaruan,\u201d at higit sa lahat, may set ng mga batas na sinusunod (magbibilang ng sampu habang nagtatago ang iba, tatapikin ang hinahabol para magkaroon ng bagong taya) upang magtakda ng panalo o talo.\u00a0 Pinagkakasunduan ng mga manlalaro ang batas na naitakda, bihira ang pumapasok sa laro nang hindi naiintindihan ang iskema nito, ang mga labas-pasok ng bawat ritwal.\u00a0 Bukod sa panalo at balagoong, tinuturuan tayo ng laro tungkol sa konsepto ng pagiging madaya.\u00a0 Anuman ang panig na mapuntahan natin, tayo man ang masunurin sa batas o ang kumakalaban natin dito, natututo tayo ng harang ng etika at moralidad sa laro.\u00a0 Pag hindi masaya ang isang manlalaro sa mga batas na itinakda, kapag ninais niyang baliin ito, maaaring paalisin siya, hindi na pasalihin habambuhay.\u00a0 Maaaring umimbento siya ng panibagong laro na may panibagong mga panuntunan.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Laro ang una nating pagsasanay sa pagtanaw sa daigdig, ito ang mitsa ng espirito ng kompetisyon.\u00a0 Kaya tayo maghahangad na mapabilang sa top ten.\u00a0 Kaya tayo magseselos sa mas batang kapatid na magiging mas paborito ng iyong magulang, sa iyong pananaw.\u00a0 Kaya tayo masusuklam sa ating mga ex na naunahan tayo sa pagkakaroon ng bagong karelasyon.\u00a0 Kaya tayo nagtataka kung bakit mas naunang na-promote ang katrabahong lagi naming thirty minutes late pumasok.\u00a0 Kaya tayo galit sa mga quitter, sa mga nang-iiwan, sa mga nanlalaglag.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>2.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Paano nagiging kalaro-laro ang isang laro?\u00a0 Bakit sisimulan ang aktibidad kung walang makikitang benepisyo?\u00a0 Nandoon ang unang sagot.\u00a0 Hindi tayo pumapasok sa kahit anong laro nang walang pag-aasam o paniniwala na tayo ang lilitaw na panalo sa huli.\u00a0 May investment daw tayo sa bawat larong ginagawa dahil nakikitaan ng bakas ng pag-asa.\u00a0 Handa tayong magbigay ng bahagi ng ating sarili dahil nakikita nating may ibabalik ito, kung hindi man agaran ay sa isang hinirayang panahon.\u00a0 Sumusugal tayo, ihinaharap ang sarili sa nakaambang panganib, hindi para maging mabilis ang paglaho, kundi naniniwala tayong may halaga ito, na bahagi ito ng kabuuang mekanismo ng pag-usad natin sa mga susunod na lebel ng laro, ng ating larong-buhay.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Noong music rehearsals pa lang ay may espesyal na tatak na sa akin ang awit na \u201cSinubukan.\u201d\u00a0 Swak na swak, tingin ko, sa imahen ng laro.\u00a0 Isang imbestigasyon sa pagsisimulang kumilos, sa paggawa ng unang hakbang, sa pag-alis sa ginhawa ng di-pagkilos, at sa pagbibigay ng wakas, sa pagtatahi sa mga salitang pinakawalan\/ kilos na sinimulan.\u00a0 Parang tinatanong ng awit sa lahat ng bahagi ng palabas, \u201cano na ba ang mga isinugal mo sa ngayon?\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Isinusugal ng mga OFW ang kanilang sariling ligaya at ginhawa para masigurong makararanas ng mas mataas na antas ng ligaya at ginhawa ang mga kamag-anak at minamahal, mga kababayang nakatira sa isang espasyong kulang ang yaman at pangangasiwa para magbigay ng mga mabungang oportunidad sa sariling bayan; Iba\u2019t ibang bersyon ng \u201chard work\u201d ang ginagawa ng masahista para masigurong\u00a0 makakagawa ng hard work sa eskuwela ang anak niya; sariling buhay ang isinasakripisyo ng iba\u2019t ibang mga biktima ng pulitikal na dahas, para sa pagsusulong ng kani-kanilang adbokasiya.\u00a0 Ang ilan sa kanila\u2019y nakaalpas sa mga literal at metaporikal na kulungan, ang iba\u2019y tila nilukob ng panganib at kamatayan.\u00a0 Pero, pwede ring itanong, tumigil ba ang rebolusyon sa oras ng pagwawakas ng buhay ni Rizal?\u00a0 Ang pagwawakas ba ng isang laro ay nakasalalay sa pagkawala ng iisang tauhan lang?\u00a0 Kung kasaysayan natin ang iimbestigahan, \u201chindi\u201d ang matalas na sagot.\u00a0 Maraming pagkilos na sumiklab bago at matapos ang buhay ng pambansang bayani.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Sa eksena ng pagbabalik ng mga tauhan sa palaruan, makikita nila ang kanilang sarili na nakikipagtalo sa iba pang mga bagong tauhan, mabubura ang dating bakas ng ligaya at excitement.\u00a0 Makikipaglaban sila para maibalik ang dating kaayusan, ang dating sense of order.\u00a0 Pero hindi na nila ito maibabalik.\u00a0 Magagapi nila ang inaakala nilang kaaway, pero batid nilang hindi na ito ang palaruang dati nilang binibisita.\u00a0 O maaari ring hindi na sila ang bersyon ng sariling minsan ay naglaro sa palaruang binabalikan.\u00a0 Baka hindi na iyon ang kanilang espasyo.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>3.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Ilang mga kuwentong-gilid: nanonood ako ng rehearsals at naaawa ako sa mga artistang kahit hindi ipinahahalata\u2019y mararamdaman na ang mga bakas ng pagod.\u00a0 For the love of, naisip ko.\u00a0 Lahat naman daw ay maaaring ikabit bilang isang malaking love story, isang grand love narrative.\u00a0 Sa librong <em>A Lover\u2019s Discourse ni Roland Barthes<\/em>, sinasabi niyang hindi natin kayang eksaktong i-articulate kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig, pero nakakakita tayo ng iba\u2019t ibang displays nito, iba\u2019t ibang kilos at eksena, na kapag naranasan ay iisipin nating \u201coo, parang pag-ibig nga iyan!\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Tulad ng eksena ng paghihintay.\u00a0 Sa dula, naghihintay ang mga babaeng naging malapit sa puso ni Rizal.\u00a0 Sinasabi nila nang malakas ang kanilang mga liham para kay Jose, sila lamang ang naririnig, walang kahit na anong tugon.\u00a0 Pamilyar daw ang ganitong eksena\u2014ang paghihintay bilang indikasyon ng pagmamahal.\u00a0 May <em>lover <\/em>at <em>beloved <\/em>sa isang relasyon, at ang lover o nagmamahal ang laging nagsasalita\u2019t nag-aabang, samantalang ang beloved o minamahal ay laging tahimik at inaabangan.\u00a0 Hindi pantay ang antas ng pagmamahalan sa isang relasyon, dahil kung pantay, ayon nga sa dula, ay matagal nang sinagot ang mga liham na \u201chindi mo sinagot.\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Wika ang manipestasyon ng pag-ibig.\u00a0 Ikinukuwento natin ang kuwento ni Kapitan Islaw dahil naniniwala tayong may opresyon sa hanay ng mga magbubukid, na may saysay ang pagpansin ng mga kuwentong nasa laylayan, nasa gilid ng lipunan.\u00a0 Ilang beses na ibinabato ang salitang \u201crebolusyon\u201d at \u201cpagbabago\u201d dahil anuman ang ating duda, naniniwala tayong may mali sa mga istrukturang nasa paligid natin, mga istruktura ng kahulugang paulit-ulit na nagsasabing \u201cmaayos ang lahat, tahimik ang mundo mo.\u201d\u00a0 Kumikilos tayo, gumagawa ng hakbang, nag-aabang, nag-aabang dahil umiibig, nag-aabang dahil umaasang mananalo, nag-aabang kahit may panganib na ang inaabangan ay hindi na maaabutan, hindi na maaabutan pero darating sa ibang tao, sa ibang mas angkop na panahon at henerasyon.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>4.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Ano ang pinagkaiba ng <em>Super Mario <\/em>sa <em>El Filibusterismo<\/em>?\u00a0 Halos wala, parehong may mga pangunahing tagapagpaganap, parehong may mga tauhang may nais na iligtas.\u00a0 Fire-breathing Koopa dragon man o Heneral at Prayle, halos iisa ang direksyon.\u00a0 Kaya lang, sa libro, mas tago ang pagpasa ng bigat ng tagumpay sa mga mambabasa\u2014hindi lantaran ang pagsabi sa nambabasang hilaw pa ang pinaplanong pag-aklas, hindi pa ito ang rebolusyon, pero magwawagi ito sa isang takdang panahon.\u00a0 Sa videogame, mas explicit ang pagtawid ng mensahe\u2014hawak mo sa game controller mo ang ikatatagumpay ng iyong bida, sa iyo nakasalalay ang pagkamatay o pagkabuhay niya, ang pagliligtas sa nawawalang prinsesa, ang pagpapalaya ng isang hamak na tubero sa isang mundong pinamumunuan ng dayuhang dragon.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Ang malungkot, malakas ang impact ng ganitong interactivity at explicitness ng game culture sa kung paano magbasa ng mensahe ang mas batang audience sa ngayon.\u00a0 Dahil mas sanay sa kultura na sila ang may kontrol, may kontrol basta ibibigay sa kanila ang lahat ng dapat nilang malaman, may tendensiya silang maging tamad, maging surface level, maging mapanghusga na ang buong palabas ay isang buffet lamang ng iba\u2019t ibang pang-aliw.\u00a0 Hindi ito isang absolutong kasalanan, pero isang penomenon at bagaheng kailangang i-address.\u00a0 Sa pagtatapos ng Rizal X, sinasabihan ang mga tagapanood na malaya silang makakalipad (tulad ng ibon?\u00a0 Tulad ng saranggolang may\/walang pisi?\u00a0 Ng gamugamong lalapit sa apoy?); bago ang eksenang ito, kinakausap ng mga artista ang audience, tinatanong kung sila ba ang bubuhay o papatay sa mga artistang gumanap sa palabas.\u00a0 Kailangang maging mas malakas ang pagdikdik nito sa mukha ng mga tagapanood.\u00a0 Baka iyon nga ang esensya ng <em>Rizal X\u2014<\/em>ang gumawa ng isang komplikadong laro ng sayaw-awit-salita na sa bandang huli ay magsasabi sa mga tagapanood na hindi lang ito laro, tunay na buhay ito.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Maraming isinusugal ang produksyon.\u00a0 Gaya ng maraming palabas, nagbabalanse siya sa aliw at pagkatuto, mas amplified nga lang dahil sa parang fragmented at multi-directional na disenyo ng palabas.\u00a0 Naglalatag ito ng napakaraming masalimuot na konsepto\u2014diaspora, altruismo, rebolusyon, indibidwalismo vs. kolektibismo (rebolusyon para sa lahat o rebolusyon mula sa sariling isip?\u00a0 Personal lang ba o pulitikal o pareho?), pag-ibig, laging may pag-ibig.\u00a0 Nagbibigay ito ng lubos-lubos at sabay na duda at tiwala sa talino at kamangmangan ng tagapanood sa kasalukuyan.\u00a0 Ibinabato nito ang mga linyang <em>consumatum est\u2014<\/em>GANAP NA\u2014nang may paninindigan at pagbabantulot.\u00a0 Bantulot, nagdadalawang-isip, dahil baka kulang pa, baka masyadong nilusaw ang mensahe, baka masyadong marami o baka maraming kulang.\u00a0 Bantulot dahil sumugal, sumusugal, at dahil labor of love, walang ibang pwedeng gawin sa pagwawakas kundi mag-abang.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>PERO, maraming inaabangan dahil nagsugal, dahil may investment, dahil nagdesisyong sumubok.\u00a0 Marami pang mga susunod na pagkilos, marami pang mga proyektong magiging kalinya nitong tinatahing produksyon.\u00a0 Nagawa\/ ginagawa na ang kung ano ang dapat gawin, bawat isa sa atin ay inilagay\/ inilalagay ang ating mga sarili sa iba\u2019t ibang panganib\u2014ideolohikal, emosyonal, pangkalusugan.\u00a0 Lumahok\/ lumalahok tayo dito sa kakaibang roller-coaster ride na ito nang may pangamba.\u00a0 Pero ganoon naman lagi ang laro, kinakabahang matalo\u2019t mapahiya, pero hindi nilalahukan nang walang bisyon na sa dulo, may magwawagi.\u00a0 Hindi palaging tayo, hindi palaging sa paraang nakaplano, pero may kalalabasang mabunga hindi lamang bilang isang laro, kundi bilang bahagi ng aktuwal na buhay.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&#8211;Vlad Gonzales, 7 Hulyo 2011<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"&nbsp; &nbsp; &nbsp; Ilang Tala tungkol sa Rizal X \u00a0 1. &nbsp; Laro ang isa sa mga malakas na imahen ng produksyon.\u00a0 Magsisimula \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/08\/19\/x\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":708,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,22,6,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/705"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=705"}],"version-history":[{"count":6,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/705\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":2414,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/705\/revisions\/2414"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/708"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=705"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=705"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=705"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}