{"id":831,"date":"2011-09-21T02:55:54","date_gmt":"2011-09-21T02:55:54","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=831"},"modified":"2011-09-21T02:55:54","modified_gmt":"2011-09-21T02:55:54","slug":"isang-umagang-naisip-ko-si-ramona-flowers","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/09\/21\/isang-umagang-naisip-ko-si-ramona-flowers\/","title":{"rendered":"Isang Umagang Naisip ko si Ramona Flowers"},"content":{"rendered":"<p>Hindi ka naghihilik pag natutulog, kaya hindi ako sigurado kung paano ka nagising.\u00a0 Baka sa liwanag ng ala sais na pumapasok sa bintana, bintanang nagpapatuloy ng mga tunog ng tricycle sa daan, at amoy ng ginigisang bawang.\u00a0 Siguro\u2019y dahil sa mga daliri ng paa kong nakikipag-espadahan sa daliri ng paa mo.\u00a0 Maaaring sa pagkurot ko sa tiyan mo\u2019t pag-amoy sa ibabang bahagi ng iyong batok.\u00a0 Sabi ko, aalis na ako mayamaya.\u00a0 Sabi mo, babangon na tayo.\u00a0 Kakain ng agahan.\u00a0 Bigyan kamo kita ng limang minuto.\u00a0 Idinampi ko ang noo ko \u00a0sa noo mo.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Nabilib ako sa bilis mong maghanda ng pagkain.\u00a0 Kabisado mo na ang sistema ng mga mantika sa kawali, kamatis sa sangkalan, tinapay sa oven toaster.\u00a0 Maingat kang naggadgad ng keso sa kakahiwa lang na pritong itlog.\u00a0 Pinag-usapan natin kung gaano kakapal ang mukha ni Gloria Macapagal Arroyo at ng asawa niya.\u00a0 Pinag-usapan natin kung gaano ka-convenient na nagkasakit si Gloria\u2019t hindi pwedeng magsalita nang isang buwan habang iniimbestigahan ang kanyang asawang nagtataray naman sa media.\u00a0 Pinag-usapan natin ang pag-uusap nitong nakaraang madaling-araw.\u00a0 Usapang relasyon.\u00a0 Usapang ex.\u00a0 Natawa tayo sa kaabsurduhan ng pagkakataon, na ang dating karelasyon mo\u2019y isang dating karelasyon din, magkaiba man ng antas at kondisyon.\u00a0 Sabi mo, dalawang pahina tayo ng isang libro, at nagkataong siya ang tahi-pandikit na nasa gitna\u2019t sa atin ay nagkakabit.\u00a0 Pinagtawanan natin ang ating nakaraan, baka kamo isang araw, bigla tayong magkasundong lahat at magkayayaan ng threesome.\u00a0 Napagkasunduan nating mas malungkot siya kesa masama, at anuman ang nangyari\u2019t nangyayari\u2019y may responsibidad tayo sa mga naging kinalabasan.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Nagmadali ako sa pagmamaneho pag-uwi, hinahabol ang maisasalbang oras para makapagpahinga\u2019t makapaghanda sa nag-aabang na trabaho ng pasimula pa lang na araw.\u00a0 Nilalabanan ko ang hagod ng antok sa bawat kanto\u2019t sulok na nililikuan.\u00a0 Napapatingin ako sa bawat stoplight na nampupuwersang huminto\u2019t magbuntung-hininga, nangangamusta sa isip ang alok mong tsaa bago ako tuluyang umuwi, ang hindi mo pagtanggi nang humiling ako na halikan ka uli sa labi, \u00a0ang mahabang gabing nakahiga ka sa tiyan kong puno ng love handles, ang kamay nating magkahawak habang nagkukuwentuhan magdamag tungkol mga bagay-bagay gaya ng pagmamahal sa magulang, mga kakilalang nagte-text ng kung anu-ano kapag nalalasing, at ang takot na mamatay nang matanda\u2019t mag-isa.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><iframe loading=\"lazy\" width=\"560\" height=\"315\" src=\"http:\/\/www.youtube.com\/embed\/O_RrNCqCIPE\" frameborder=\"0\" allowfullscreen><\/iframe><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Hindi ka naghihilik pag natutulog, kaya hindi ako sigurado kung paano ka nagising.\u00a0 Baka sa liwanag ng ala sais na pumapasok sa bintana, \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/09\/21\/isang-umagang-naisip-ko-si-ramona-flowers\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":832,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,20,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/831"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=831"}],"version-history":[{"count":3,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/831\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":835,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/831\/revisions\/835"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/832"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=831"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=831"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=831"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}