{"id":865,"date":"2011-10-10T16:52:51","date_gmt":"2011-10-10T16:52:51","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=865"},"modified":"2013-12-29T02:45:44","modified_gmt":"2013-12-29T02:45:44","slug":"alam-kong-hindi-mo-ito-babasahin","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/10\/10\/alam-kong-hindi-mo-ito-babasahin\/","title":{"rendered":"Alam Kong Hindi Mo Ito Babasahin"},"content":{"rendered":"<p>Dahil alam kong mas gamay mo ang mga imahen kesa salita.\u00a0 Dahil batid kong may taglay kang sindak sa mga kuwentong aking kinakatha.\u00a0 Dahil sa maraming dahilan, dahil paminsan-minsan ay nagiging ugat ito ng bagabag, pinipili mong paniwalaang ang aking mga kuwento ay ganoon lamang\u2014mga kuwento, malayo sa katotohanan.\u00a0 Dahil sa mga oras na tinatanong kita, bakit kaya nangyari ito, bakit pinutol na ninyo ang inyong mga ugnayan, mas madalas mong isasagot ang \u201cewan ko, hindi ko na matandaan.\u201d\u00a0 Dahil ayokong makalimot, at ayokong makalimutan, ipipinta kita sa paraang gamay na gamay ko.\u00a0 Mga larawang-salita, ang aking katotohanan, mga alaalang gusto kong lagi\u2019t laging matandaan:<\/p>\n<p>1. Sa backstage ng isang teatro, nakaupo tayo sa mga de-gulong na hagdan.\u00a0 Hinihintay natin ang pagsimula ng aming Christmas program.\u00a0 Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita, gusto kitang kamustahin.\u00a0 Natatandaan ko ang suot mong checkered na polo, natatandaan ko na kinuha mo ang kanang kamay ko, natatandaan ko na idinampi mo ito sa kaliwang bahagi ng iyong leeg. \u00a0Lymph nodes, sabi mo, tingin mo\u2019y may diperensya ka dito.\u00a0 Tinawag na kami ng stage manager, pinababa na kita sa audience area.\u00a0 Magsisimula na ang palabas.<\/p>\n<p>2. Sa loob ng opisina, nagkukumpuni ako ng sirang computer.\u00a0 Bago ka pumunta para ipaayos ito, sinabi ko sa text\u2014\u201cbukod sa may-ari, ano pa ba ang may sira?\u201d na sinagot mo naman ng \u201cmatagal ko nang alam iyon.\u201d\u00a0 Habang umaandar ang progress bar sa laptop na dala mo\u2014bigay kamo ng isang tita, nasabi mo noong hinanap ko ang mas luma mong computer\u2014nakatungo ka\u2019t dinidikdik ang mga kalaban sa Marvel vs. Capcom doon sa aking bagong-biling PSP.\u00a0 Suot mo ang t-shirt na bigay ng isa nating kaibigan, galing Thailand na kamiseta, maliit, halos hapit sa katawan mong hindi naman din katabaan.\u00a0 Matagal ka nang payat, pero tingin ko\u2019y mas lalo kang pumayat sa pagkakataong iyon.\u00a0 Pumipikit-pikit ang mga mata mo habang nagkukumustahan tayo, mukhang pagod.\u00a0 Iminungkahi kong umuwi ka na lang muna\u2019t matulog habang inaayos ko ang naglolokong piraso ng teknolohiya, pagkatapos mong ibato ang himutok na bakit may mga taong pinalalaki ang pagkaliit-liit na mga problema.<\/p>\n<p>3. Sa academic oval ng UP, katatapos lang ng ulan.\u00a0 Binubuno namin ng kaibigang guro ang pagpapaka-fit at juma-jogging pagkatapos ng nakakabanas na summer class (mabuti\u2019t may pahingang ulan bago tumakbo), at sa punto ng pagliko sa paakyat na bahagi ng kalsada, natanaw kitang naglalakad kasabay ng isa ring kaibigan.\u00a0 Suot mo ang kulay abong sweater.\u00a0 Napangisi ka noong nag-abot tayo ng tanaw, ibinuka mo ang mga braso mo noong halos magkakabangga na tayo.\u00a0 Hindi ako sigurado kung mapaglarong panghaharang o panawagan sa pagyakap ang nais mong itawid.\u00a0 Pero naniwala akong may gusto kang sabihin, may nais itawid pero hindi maaari, hindi posible sa mga oras na iyon.<\/p>\n<p>4. Sa labas ng bintana ng iyong apartment, nakita kitang nagitla noong tinapik ko ang de-screen na durungawan.\u00a0 Inakala mong hindi na ako makakadaan para iabot ang pasalubong na galing sa ibang bansa, katas ng promo sa Cebu Pacific na matagal-tagal din naming pinaghandaan sa opisina.\u00a0 Binuksan mo ang pinto, pinatuloy ako, iniabot ko ang plastik na may lamang instant pancit canton (dahil wala talagang ganoon sa Pilipinas), tsaa, biskuwit, marami pang tsaa.\u00a0 Mabilis mong inilapag ito sa mesa\u2019t mabilis ka ring bumalik palapit sa akin.\u00a0 Tumitingkayad ka pag niyayakap ako, at tumitirik nang bahagya ang mga mata kapag nanghahalik.\u00a0 Madaya, dahil ibig sabihin ay madalas akong dumidilat para silipin ang itsura ng iyong mukha, pero hindi ko mapigilan.\u00a0 Tatlong araw ka na kamong hindi naliligo, sabi mo, abala sa tinatrabaho.\u00a0 Ayos lang, sabi ko.\u00a0 Niyakap kita at hinalikan na gaya ng tukso mo noong una kitang tinangkang yakapin at halikan\u2014parang wala nang bukas.<\/p>\n<p>5. Sa kama, nakahilata ako\u2019t binawi na ng pagsilip ng liwanag ang anumang pag-asa na makaidlip.\u00a0 Halos inumaga tayo sa pagtatangkang ayusin ang isang pagtatalo, pinakaunang opisyal na pagtatalo natin.\u00a0 Pagkatapos ng paglalatag ng mga salita, ng kaunting iyakan, ng maraming Mc Donald\u2019s French fries at nuggets at cheeseburger, pagkatapos ng malaakyat-bahay nating pagsampa sa nakakandado nang gate ng apartment complex, naroon tayo sa iyong kama\u2019t nakahiga, sa kamang bagong bili sa malapit na Japan Surplus store, kamang binalutan ng mga punda at bedsheet na kulay asul, isang dagat sa madilim na gabi, dagat ng langit, langit na may mga polka dot na bituin.\u00a0 Idinantay mo ang kaliwa mong hita sa akin, isinukbit ang kaliwang braso habang isiniksik ang ulo sa aking kaliwang balikat.\u00a0 Hinanap ng kamay ko ang kamay mo mula sa brasong nakasukbit sa akin, habang unti-unti kong narinig ang paglalim ng iyong paghinga.\u00a0 Sa kamang kulay asul, kulay dagat-langit na may mga polka dot na bituin, pinanood ko ang puting kisame, madalas na tumutungo para silipin ang mukha mong halos sumisiksik na sa bahagi ng aking kaliwang kilikili.\u00a0 Parang Aerosmith song, naisip ko, ako na nanonood sa iyong paghimbing, naghihiraya ng posibleng lugar na pinapasyalan mo sa mga oras na iyon\u2014isang mundong punung-puno ng happiness, isang mundong maraming Mer-Nel\u2019s at mga taong kamukha ni KC Concepcion at Enchong Dee na kumakain ng mga pagkaing niluluto ni Jamie Oliver.\u00a0 Pinagmasdan kita at nangako akong anuman ang mangyari, hindi ko kakalimutan ang sandaling iyon, tayong magkatabi, ikaw na nakadantay sa akin, mahimbing na nananaginip.\u00a0 Nangako ako sa sariling pipilitin kitang tandaan at ipinta sa ganoong klaseng imahen.<\/p>\n<p>Isang larawan ng walang kapantay na rikit.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><iframe loading=\"lazy\" src=\"http:\/\/www.youtube.com\/embed\/rKAn1HvmRXM\" frameborder=\"0\" width=\"420\" height=\"315\"><\/iframe><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Dahil alam kong mas gamay mo ang mga imahen kesa salita.\u00a0 Dahil batid kong may taglay kang sindak sa mga kuwentong aking kinakatha.\u00a0 \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/10\/10\/alam-kong-hindi-mo-ito-babasahin\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":866,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,20,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/865"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=865"}],"version-history":[{"count":6,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/865\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":869,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/865\/revisions\/869"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/866"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=865"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=865"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=865"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}