Dog days

Ganito lang kaliit ang aso kong si Alejandro noong nakuha namin siya.  Lucky dog yan, unang araw ng dating ay away sa bahay agad ang inabutan.  Malaki-laki na siya ngayon, mag-iisang taon na siya sa poder namin sa Mayo.  Nami-miss ko siya ngayong kasama niya ang nanay at tatay ko sa Laguna.

Isa sa mga paborito niyang lugar ay sa pagitan ng mga paa ko.  Pag magkasama kami, yun ang paraan niya ng paglalambing.  Humihimbing habang ang amo’y kumakalikot ng kung anu-ano sa computer.  Hinihiraya kong nasa may paanan ko siya ngayon.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.