Zero

 

Iba-iba ang tingin
sa talim ng gera.
Mula sa lupa, isang
dragon, kay taas
ng lundag at liyab;
sa pagbagsak, tipak-
tipak na yelo, pinatalas
ng grabedad. Itataas
ang espada, tatawag
ng kidlat, dadapo’t
iipunin, itatanim
ang talim sa teritoryo
ng kaaway. “Kriminal,”
ayon sa utos ng kanyang
tagapaglikha. Sisiklab
ang enerhiya, lila, puti,
asul, isang eleganteng
pabo real ng ilaw.
Walang ibang maiiwan
kundi siya, at bakas
ng nasunog na bakal,
langis, kawad, pulbura.
Titingin siya sa nilikhang
kawalan, isang pahayag:
“tapos na ang misyon.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.