UP Pep Experience 2012

Nagkaroon ako ng pagkakataong maging photo-docu person para sa UP Diliman nitong natapos na UAAP Cheerdance Competition.  Ibabahagi ko lang ang ilang mga larawan mula sa routine ng UP Pep Squad, na siguradong alam na ng marami ang pagkapanalo.

Siguro’y ang pinakamahirap na bahagi ng pagkuha ng litrato para sa kahit na anong mahalagang event ay ang pag-aayos ng napakaraming larawan na ibibigay sa kliyente.  Ang bahaging ito ang binubuno pa sa kasalukuyan, medyo delayed na nga.  Pero ang ibang parte ng trabaho ay masaya, marami kasing nakikita at natututuhang bagong kaalaman.  Lagi ring enjoy kumuha ng litrato, at laging masaya na nakakanerbyos ang kumapa ng bagong eksena.

Siguro’y pag natapos ang pag-aayos ng litrato’y maglalagay pa ako ng mga paboritong kuha mula sa karanasang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.