Ang Halik Mo, Nami-miss Ko (V’s Infinite Playlist)

Kapag sinusuwerte, kapag pumapabor ang panahon at sitwasyon, nagkakaroon ng mga bagong kaibigan sa videokehan.  Mga bagong nahihingahan pag gustong bumirit ng “Pare ko, meron akong problema.” Mga karamay sa pagbuno ng Total Eclipse of the Heart.

 

 

Ibibirit namin ang hits, ang mga theme song ng aming buhay–E-heads, Heart, Aegis, Beatles, Fergie.  Isinisigaw ang mga titik at himig, lahat ay naroon maliban doon sa dapat ay inaalayan ng mga awit.

Pero ineenjoy ang bawat sandali.  Pinasasalamatan kung sino ang nariyan, kung sino ang nakarating.  Hinuhuli ng kamera ang mga alaala.  Pag binabalikan, pinipilit na tingnan bilang masaya, walang anumang galit.

 

Sa pagsasara ng videokehan, bitin ang lahat sa kani-kanilang nabirit na playlist.  Napagliligpitan na ng mga gamit habang uma-a capella ng huling Fruitcake.  Dahil masarap na sabay-sabay isigaw ang linyang “life is a piece of cake.”

 

At sa pag-uwi’y tatangkaing umidlip.  Hahanapin ang mga kulang sa panaginip.  Mga kahalikan at kaniig, together in electric dreams.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.