May inalok sa aking proyekto nitong nakaraang linggo. Malayo pa siya sa pagiging totoo, pero sobrang nakaramdam ako ng excitement sa mga posibilidad. Nasabi ko sa isang kaibigan, mas naexcite pa ako kesa sa plano nang pagkuha ng doktorado o paghahanal ng scholarship sa ibang bansa. Baka ito ang inaabangan kong pagpapalit ng eksena–paglilipat sa espasyong pamilyar na hindi, malayo pero close to home pa rin. Abangan ang susunod na kabanata.
Aym so ek-sayt!





