
Nagkaroon na naman ako ng pagkakataong hulihin sa litrato ang buwan. Sa bersyong ito ng aking kwentong-litrato (o pag old school ka magsalita, “retrato”), isang malaking mata ang buwan–ala-Lord of the Rings kahit paano–na nagmamasid sa mga taong mabait at makulit, sa lahat ng mga kwentong hindi abot ng mortal na tanaw. Palagi akong mahilig sa buwan, at hindi na lang isang beses ako nagsulat tungkol dito. Habang hindi pa nabubuo ang kasunod na nakaplanong kwentong buwan, narito ang ilan sa mga naisulat na. Marami ang napaglakihan na, pero masarap pa ring balikan:
MGA NAIISIP HABANG TINITINGNAN ANG BUWAN
SA MAY BINTANA, NATANAW KO ANG BUWAN
MAY LUNGKOT ANG BUWAN NGAYONG HATINGGABI
WALANG BUWAN NGAYONG GABI (with matching MOVIE)