school

Ang Araw na Ipinagpalit Niya si Sailor Moon para kay Alanis

At tinangka kong mairaos ang buhay. Sinubukang magpatuloy sa mga pagpapabibo sa klase at extra-curricular activities, isinabay ang pag-aaral ng table tennis para may ibang larong alam bukod sa hindi-panlalaking volleyball, sumagot sa mga eksamen at homework at nakipagbiruan at nakipagtawanan hanggang sa abot ng makakaya, para magmukhang maayos ang lahat. Ang mga tagapagtanggol ng buwan ay nag-aalaga ng dakilang sikreto. Hindi ko dapat ikalat sa mga tao ang aking secret identity. [...]

Sa Casa Fantastica*

Oo. Ganyan ang batas ng Casa. Kung isang araw man ay sabay tayong magkita doon sa labas, hindi na tayo katulad ng tayo dito sa loob. Mag-aaksaya lang tayo ng oras sa mga sandali ng ating pagkikita. Magpapalipad lang tayo ng mga walang kalaman-lamang salita, tulad ng pagkagusto mo sa mahabang diretsong buhok ng kaklase mong si Piya Constantino o ang hilig niya sa pagkain ng ice cream na gawa sa gatas ng kalabaw. [...]

Pagkukumpuni

Samantala, mayroon kaming mga araw katulad nitong mga huling araw na nagdaan, itong mga araw ng pagdadalawang-isip: babangon at hihiga siya nang walang ngiti o kahit na anong imik na makukuha mula sa kanyang bibig; yayayain namin siya para kumain ng agahan o hapunan, tutugon siya ng isang malamig na “mamaya na” kung sinusuwerte kami’t wasiwas lang ng kamay habang nakasubsob sa mga unan kapag minamalas; lalabas siya ng kuwarto para manigarilyo, o pupuslit ng pagkain habang hindi kami nakatapat sa mesa. [...]