Ako na mag-isa’t biglang napasulyap sa alapaap. Lahat ng ako na mag-isa’t napasulyap sa alapaap. Ang batang nangingisda’t nakaupo sa buwan, doon sa Dreamworks opening animation. Dula ni Lorca tungko l sa Pesca la Luna. Artistang nagdadamit at naghuhubad, sa una’y lalaki, mayamaya’y hindi na’t mayamaya’y siya na uli. Mga souvenir sa Baguio o Sagada, mga kahoy na inukit para maging maskara, mga mukha ng diyos o halimaw na nakahilera. Happy. Sad. Happy-sad-happy-sad-happy-sad. Mga salitang pinagtutugma. Mga intensyong pinagtutugma sa mga salita.
Si Mariska Veres. Ang crescent beam, ang Venus Love Me Chain. Ang Sexbomb dancers, ang walang kamatayang Daisy Siete. Ang Apoy. Ang Pagnanasa. Ang ikaw. Ang ikaw na inaari. Ang pag-idlip. Ang nanay kong masarap ngumiti. Si Mama Cass at ang tsismis tungkol sa bumabarang sandwich sa esophagus. Stars shining bright above you, sweet dreams that seem to whisper “I love you,” birds singing on a Sycamore tree, dream a little dream of me. Ang Eraserheads, sampung buwan nang hindi natutulog. Ang reunion. Ang concert. Kami po ang Eraserheads. Thank you, good night.
Nunal sa langit. Konstelasyon sa mukha. Si John Mayer at ang Cheshire Cat. Ang asong amoy-bangkay na bumubuntot kahit sa paliligo sa banyo. Ang lumang joke tungkol sa mga aso, sa peanut butter, at sa mga bayag. Your body is a Wonderland. Alice. Dixon. I. Can. Feel. It. Shabada. Mr. Disco.
Mapa ng katawan. Nagtataeng panulat. Tuldok sa pangungusap. Ngiti sa hindi inaasahang mensahe.
*naisulat noong 2010