Mataas
ang kanyang
tingin,
kung lumakad
parang
lumilipad
sa alapaap.
Marami sana
siyang
masisipat
kung tumungo
siya, kahit
kaunti lang,
sana,sa
nasa
ilalim:
mga uod,
walang
halaga
sa kanya, o,
wala na,
pagkat
napuntahan
na niya
ang lahat
ng dapat
puntahan—
awarding,
premiere,
festival,
biennale,
lahat
ng tuktok,
bundok,
tore,
mga bantayog
ng kultura.
Siya,
lumalakad
sa parking lot
ng venue
(di kailangang
sabihin
kung ano,
kung kanino,
kung saan,
kung tungkol
saan—o,
kung para
kanino,
para kanino
ba—baka
hindi mo naman
alam
o
mauunawaan)
May pagaspas
ang paglakad,
marilag,
pagkat
hindi lang
ito
palabas,
ito
ay
karanasan
sa
pagpailanlang.
Sa pagitan
ng aspalto
at suwelas
maiipit
ang makapal
na tae.
Hindi
niya
ito
iindahin,
ni hindi
titingnan,
dahil batid
niya,
batid nila,
batid
ng lahat
(ikaw
na lang
ang huli
sa balita),
ito’y
isang
gasgas
na gasgas
na gasgas
nang
talinghaga.
***
Isang lumang piyesang nilapatan nang bahagyang rebisyon, para sa 31-day Writing Challenge.