Ipinagdiwang namin ang kaarawan ni Papa noong nakaraang Oktubre 12. Tatlong taon na rin ang nakalipas noong nag-birthday siya sa ospital, dahil sa umabot sa kaarawan niya ang operasyon para sa nagbarang ugat sa may binti. Simula noon, parang regalo ang bawat sumunod na kaarawan, pasko, bagong taon.
Sa kaarawan ni Papa ngayong taon, kasama sa pagdiriwang si Mama at ang kaibigan kong si Tanya. Wala na muna akong sasabihin bukod sa mga nasabi na ngayon. Hahayaan ko na lang ang mga larawan ang magsalita, kasama ang munting tapik sa sariling balikat at pasasalamat sa kaibigang kapiling sa okasyon. Salamat kay Tanya, naging masaya sina Mama at Papa.




















