pamilya

Lumang Pelikula, Lumang Sulatin

“Kamusta ka?” Nakangiti pa rin siya pag tinanong na niya ang kanyang paboritong tanong. Ikukuwento ko ang aking kasintahan, kung paano siya nagsabi ng “oo” sa aking proposal, ang malaki kong kita sa aking business, ang aming pinaplanong pagpapakasal. Yayakapin niya ako, ang aking inang nasa pulang bestida, lubos ang kaligayahan. “Magsisimula na ang palabas,” ibubulong niya sa akin. Magkadikit ang katawan namin na parang nasa akto ng pagtatalik. [...]

Isang Hapon Bago Mag-Lunes

Nag-iba nang bahagya ang timpla ng tinig niya noong nasabi kong baka hindi ako makadalaw sa susunod na linggo, pero agad namang bumalik ang sigla noong ikunukuwento na niya ang pabaong adobong manok, mga damit na naplantsa noong nakaraang gabi, hopiang may palamang pastillas. Matulog daw ako nang maaga, sabi ni Mama, para hindi ako mapuyat. [...]

Sarado ang Simbahan Noong Pasko ng Pagkabuhay

Bakit hindi ninyo sinigurado? Saan na tayo pupunta? Kanino tayo magtatanong, wala namang ibang taong makokonsulta? Saan pa ba may misa? Mula sa magkahalong puyat, gutom (wala pang nakakapag-agahan), at panghihinayang (sa oras, sa nawalang tulog, sa planong hindi nagawa), ang simpleng target na magsimba, magpasalamat at maging masaya ay naging paligsahan sa kung sino ang mas matalas ang memorya, kung sino ang mas tama, o kung sino ang mas marapat na maasar. [...]