Sa Casa Fantastica*
Oo. Ganyan ang batas ng Casa. Kung isang araw man ay sabay tayong magkita doon sa labas, hindi na tayo katulad ng tayo dito sa loob. Mag-aaksaya lang tayo ng oras sa mga sandali ng ating pagkikita. Magpapalipad lang tayo ng mga walang kalaman-lamang salita, tulad ng pagkagusto mo sa mahabang diretsong buhok ng kaklase mong si Piya Constantino o ang hilig niya sa pagkain ng ice cream na gawa sa gatas ng kalabaw.
[...]