mula sa lumang blogs

The Mark Anthony/ Claudine/ Ang TV UP Dream

Ang joke–Ang TV. Sa TV, akala mo’y singlaki ng Sunken Garden ang Track Oval. Sa TV, lahat ng anak ng mangingisda ay may kamag-anak sa Maynila na may mansyon. Sa TV, lahat ng estudyante ay may Nanay at Tatay na kapag nagsabing “tayo” ay agad na babangon ang sinasabihan mula sa pagkakadapa. Sa TV, lahat ng taga-UP ay kamukha ni Claudine Barreto at ni Mark Anthony Fernandez. Sa TV, track-and-field game at hindi basketball ang kino-cover sa UAAP. [...]

Mula sa Librong Hindi na (Yata) Mailalabas

Siguro’y kasingsimple lang nito ang pangarap mo dati: makakuha ng “star” mula sa pagdrowing ng straight lines at curved lines, o sa pagsulat ng mga ABC at 123 noong Kinder o Grade 1; manalo sa palabunutan ng mga goldfish sa tabi ng eskuwela habang ngumangata ng dalawang pisong singkamas o manggang hilaw; umuwi sa bahay at isaksak ang cartridge ng Megaman 3 sa Family Computer (hihipan-hipan muna ang ilalim bago isaksak, alis-alikabok), at ipasok ang password na inaral nang ilang linggo para makapunta agad sa stage ng big boss na si Dr. Wily—Blue sa A1, B2, A3, B5, D3, D4, Red sa E1 at F4; [...]

Kay Princess Arguelles, Kung Bakit Kalilimutan Siya Pagkatapos Basahin Ito*

Hindi mukhang prinsesa si Princess. Mukha siyang professional wrestler, yung lalaki. Matangkad, malaki ang katawan, maiksi ang kulot at naka-gel na buhok. Mukhang matanda para sa isang first-year high school. Si Mark Joseph naman, nasa tipo ng itsura ang pagiging kengkoy sa klase, ang class clown, ang kaklaseng hahayaang madapa o madulas ang sarili o magkunwaring hindi alam ang sagot sa recitation o magmamali-mali ng pagsasalita ng Ingles para mapatawa ang mga kaklase. Hindi sobrang pangit, walang matingkad na kapintasan, may sapat lang na mga katangian para makutusan o maimbentuhan ng mga bagong pangalan paminsan-minsan. [...]