
Limpak-limpak na Leksyon sa Ulan
Ano nga ba ang makapagpapasaya sa mga taong naghahanap nito? Dati, ang konsepto ko lang ng buhay-kolehiyo ay ang makapasok, makita ang UP Sunken Garden, at aksidenteng maabutan ang Eraserheads na nagja-jamming doon. Wala pang konsepto ng hinaharap, wala pang paki o ayaw pang magkapaki sa kung magiging doktor ba o kung anuman sa kolehiyo. Kaya hayun, sa mga unang buwan ng pagiging Isko, lost na lost na lang. Parang sanggol na pinakawalan sa napakalaking gubat. Minsan, habang nag-aabang ng sasakyan, habang nakatulala, hayun at nagsimulang umulan. Hindi pa rin ako makaalis, paano’y nasa pila na ng dyip, mukha pa akong tanga, dahil walang payong o kapote na dala.
[...]