Hindi ko siya tinatawag sa ganoong pangalan–“Amang.” Pakiramdam ko kasi yung ibang tumatawag sa kanya ng ganito ay sipsip, nakikisakay lang sa kanya. Marami rin akong puna/ reklamo sa kanya, lalo ngayon na medyo tumatanda na rin ako. Sa gitna ng lahat ng ito, isa siya sa mga pinakaunang gurong nakakita ng potensyal sa akin. Siya ang naging gabay ko sa pagsusulat ng mga kwento, sa pagpasok sa iba’t ibang mga palihan at patimpalak. Hindi ko siya nakitaan ng kahit anong bahid ng masamang sentimiyento sa tuwing nakakaranas ako ng tagumpay. Puro ngiti at mga salita ng pampalakas-loob, At para doon ay habambuhay akong may utang na loob sa kanya.
Mga kuha ito sa nakaraan niyang book launch sa may Megamall, June 14 ito. Congrats Ser Jun, sana’y marami ka pang estudyanteng magabayan, at muli, salamat sa lahat. Hindi kami nakakalimot.




