First time kong magpakain sa opisina ko sa UP. Yung pakain na mala-picnic, yung ineffort ang pagpapasaing sa bahay, pagdadala ng mga plato, paghahanap ng bilihan ng lutong ulam na sakto sa 10:30 a.m. na paghahanap, na sasakto sa 11:30 ng kainan. Masikip ang kuwarto para sa dami namin, pero nairaos naman. Masayang magkaroon ng bisita.
Nai-imagine ko tuloy na masayang gawing parang crowded house of sorts ang opisina namin, kaya lang ay may kasama ako sa kuwarto. Pero oo, masayang magkaroon ng bisita, kain-kain, mababaw na kuwentuhan. Syempre’y pagkatapos ng kainan, balik sa reyalidad ng mga klase at trabaho.







