Nagbibiruan kami kaninang magkakaibigan (kung sinuman ang mga kasama ko kanina) — ipo-post ko sa Facebook ang litratong ito at magsusulat ng cryptic na caption tulad ng “naglalayag ang salapi, tulad ng paglalayag ng mga tugtog at alaala.” Pagkatapos ay maghihintay ako buong magdamag para may mag-comment ng “uy, may problema ba?” o kaya ay “okey ka lang, okey ka lang ba talaga?”
Tinatamad akong maglagay sa Facebook kaya dito na lang magpa-cryptic: umalis ako ng bahay na may mabigat na antok at kapit ng plema, umuwing pagod at amoy inihaw na bituka ng baboy, masaya pero pagod at nananalanging lahat ng mahal sa buhay ay mahimbing ang tulog. Kitakits.
