Dear Sally

 

 

Napili para sa isang scholarship sa UK ang kaibigan kong si Kat.  Ito ang kanyang “pasabog” sa taong ito.  Ang biro niya, gusto niyang mag-posing-posing sa tapat ng train station at magmoda na gaya ni Felicity Porter.  Kaya heto, habang hindi pa nangyayari ang kanyang train station Felicity fantasy, pinaglaruan ko muna ang ilang tambay pics namin.

Katuwa na si Felicity din ang inspirasyon ko para sa isang writing project, ang “Kinse Sentimong Senti Moments with Miss Ligaya Nazareno.”  Eventually ay naging libro ito, ang A-side/ B-side.  Mahal ko ang proyektong iyon kahit hindi siya kasingbenta ng nauna kong commercial book na Isang Napakalaking Kaastigan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.