Lampas isang taon na akong umaastang radio host sa college program namin, ang Kalampagan sa Lunes. Walang bayad na nagaganap, ang perks lang ng programa ay makadaldal on air (na abot hanggang NCR at Southern Tagalog), makabati ng ilang mga kaibigan (at mga aso nila) na nakikinig paminsan-minsan, at kasama na rin ang balik-serbisyo sa kolehiyo. Paminsan-minsan ay sinusuwerte’t may mga masayang bisita. sa kaso ng huling episode, mga kasapi sa UP Pep Squad.
Umextra effort ang co-host na si Ginny at dumating na may blonde wig. Sabi niya, isuot ko raw sa second half ng show. Sumunod naman ako.
Naaalala ko ang unang eksena sa latest season ng True Blood dahil sa ginawa kong post-processing:
Tinuruan din kami ng UP Pep members (na tagakolehiyo rin namin) ng ilang basic cheers. Buhay na buhay daw kami, text ng kaibigang nakikinig.
Sana masundan pa ang mga ganitong klase ng episode. At sa UP Pep, congrats sa inyo!













