Awesome Ayek

Kaunting larawan ni Barrick Kentrell Gonzales, o Ayek sa mga kamag-anak, noong nagpunta kami sa may UP Los Banos noong nakaraang linggo.  Sa gitna ng maraming isyu sa pera at pamilya, nahanap namin ang Elbi bilang masayang puntahan para sa tambay naming mga Gonzales tuwing Sabado o Linggo (isusulat ko ang kuwento at ipapakita ang ibang litrato sa ibang post).

Sa ngayon, mga larawan muna ni Ayek na masayang-masaya sa sarili niyang mundo, tumatakbo nang ayos sa bilis at ritmo na gusto niya.  Mga maliit na ligayang nae-enjoy ng ilang mga batang kaedad niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.