Ang kaluluwa ko’y nanuyot.
Parang kaluluwang itinapon sa apoy, pero hindi lahat,
hindi sa pagkatupok. Nauuhaw,
ito’y nagpatuloy. Nauupos,
hindi sa pag-iisa kundi sa kawalang-tiwala,
ang labí ng dahas.
Espiritu, inimbitahang lisanin ang katawan,
upang tumindig nang nakabuyangyang panandalian, –
nanginginig, tulad noon
sa iyong pagharap sa kabanalan –
espiritung nabitag palabas ng pag-iisa
sa pangako ng grasya,
paano ka pa muling maniniwala
sa pag-ibig ng ibang nilalang?
Ang kaluluwa ko’y nanuyot at umimpis.
Ang katawan para rito’y naging isang napakalaking damit.
At noong ang pag-asa sa aki’y naibalik na
ito’y pag-asang ganap na ibang-iba.
*Salin ng “The Garment” ni Louise Gluck