Setyembre

Gaya nga ng nasabi ko sa naunang post, maraming nakaprogramang gawin nitong nakaraang Setyembre.  Marami kasing mabuting balita at okasyon.  Nagkataon lang na nayanig sa pondo, may di inaasahang pagkaantala kaya kahit paano’y medyo nairita at nalungkot lalo na noong naging malinaw nang hindi ko mae-execute ang mga plano tulad ng kung paano ito naisip noong Agosto.

Kung anuman, naging panahon siya para makapag-isip-isip.  Tingnan ang priorities, obserbahan din kung sinu-sino ang sumalo noong medyo nawala sa plano.  Suwerte rin at may mga nakipagdiwang kahit nawala ako sa diskarte.  Kaya lang din siguro ako nag-a-update, para maalala na sa pangkalahatan, masaya ang Setyembre.  Isa itong pag-update ng mga alaala, at siguro ng mga tao na rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.