Minsan may mga naisulat ka na kapag binalikan mo ay magtataka ka na lang kung paano saka bakit mo nga ba naisulat iyon. Pero kahit may ganoong semi-kilabot, semi-diring pakiramdam, nakakatuwa ring balikan ang mga atake sa pagpapatawa o pagpapakilig o pagpapaiyak na nagpapaalala rin sa iyo sino ka ba dati. Isa itong piyesang “Si Daboy” sa mga piyesang bahagi sana ng isang book project, na kahit marami na akong nakalimutan ay natatandaan ko pa ring good idea at the time ang moda ng pagtatangi ko sa piyesa. Ang ugat lang yata ng sulating ito ay paano pag nalaman ng isang taong non-meat eater (dahil di siya pabor sa animal cruelty) na nakakapag-isip at may feelings din ang mga gulay/ halaman? Saka laro rin sa pagpapaka-macho ng isang tao. Oo, ganoon yata. Baka dinedepensahan ko na lang.
Inilakip ko sa post ang larawan ng kaibigang si Vincent Kevin “Paj” Pajara. Si Paj kasi ang naiisip kong kayang gumanap bilang Daboy kung magiging dula o pelikula ang proyektong ito.
Para sa 31-day Writing Challenge ngayong Agosto.
***
Apat na araw na naming hindi nakikita si Daboy.
Pag nasa Silver’s Gym kami, ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang “Rodolfo” o “Rudy.” Gusto niya ang palayaw ng idol niyang action star. Ibang-iba raw kasi si Rudy Fernandez, lalo doon sa marking bungo. Kapag nagbubuhat kami ng bakal, pag sinisita niya ang mali naming porma sa bench press, hammer curls, dead lifts, pag sinasabihan niya kaming weak kami, lagi niyang dinudugtungan ng “walang personalan, trabaho lang.”
Huli kaming nag-usap noong kumakain kami sa Chon Bon. Hindi siya kumakain, nakikisama lang. Masama daw ang kumakain ng hayop kasi, tofu at veggies all the way. Saka namin sinabi ang plano naming biro, matagal na naming pinag-isipan, pang-mind fuck ba.
“Daboy, nabasa ko pala sa Internet, na-discover ng mga scientist na may utak din pala ang mga gulay.”
“Tangina pare, no shit?”
“Oo, wala na nga raw pinagkaiba sa mga hayop.”
Pagkatapos magsabi ni Daboy ng “pucha pare seryoso?” ay tumahimik siya. Matagal. Humirit siya nang mahina, seryoso: “kawawa naman ang mga halaman.” Tapos nagpaalam na siyang umuwi. Tawa kami nang tawa.
***
Eksaktong 2028 noong nabaklas ni Diegs ang ang pinto ng apartment ni Daboy. Kasama ko rin si Peds at si Duds, mga kabatak sa Silver’s. Hindi mahagilap ang landlady, malamang nag-SM na naman. Si Duds ang nakadurog ng lock, pagkalaki-laking animal ba naman nun e.
Maliit lang ang lugar ni Daboy. Studio. May TV/DVD set na naka-setup sa computer table, may sofabed, isang mesa, isang monoblock chair. Naka-display sa TV ang title menu ng “Ten Things I Hate About You.” Sa ibabaw ng monoblock, nakapatong ang CD player ni Daboy. Nirvana tsong. Sakto sa “…where do bad folks go when they die/ they don’t go to heaven where the angels fly/ go to lake of fire and fry/ see them again till the Fourth of July…”
Si Daboy, ayun, patay.
Naduwal agad si Duds, mahina naman talaga ang sikmura nun. Si Peds at si Diegs, puro “What the fuck, what the fuck?” Si Daboy, asa sofabed. Tirik ang mata. Putol ang kaliwang kamay. Yung kanan, nakasubo sa bibig, halos braso na rin ang natira. Andaming dugo.
“What the fuck, what the fuck, what the…”
“Pare, may sulat o.” Amoy binurong alamang ang hininga ni Duds.
Mga tol,
Tangina, kinain ko ang sarili ko. Pucha, ang hasel ko. Sensya na mga pards, sensya na rin sa mga gulay na kinain ko, pakisabi na lang. Kayo na’ng bahala sa program ng burol ko ha, sensya, patay na e. Nag-print na ako ng lyrics, pinalitan ko lang yung ibang parte. Tangina, ang gago ko lang ‘no? Pili lang kayo diyan mga tol:
Let’s Hear It for Daboy—Footloose da best mga pare!
Daboy’s Within—Christina Aguilera Siga!
I Remember Daboy—Joey Albert Astig! May kanser pero yung kanser yung pinatay! Rakenrol! Cancer killer pakshet! Shet, ako pala patay na, tangina bummer.
Sige mga pre, kitakits. Don’t eat plants! Eat yourselves c’mon!”

