31 – Aratilis o Alatiris (Plus Fantasy Casting)

3

Ang panapos ko ng self-imposed challenge na ito ay isang sipi mula sa nabuong dula, na nahugot ko mula sa pakikibalita tungkol sa nangyari sa Kidapawan noong Abril.  Consistent pa rin ito doon sa mga nabubuong project lately na driven ng sexualidad para magtawid ng mga usaping may kaugnayan sa uri at lahi, yung lakas makaporn na hindi rin.  Basta siguradong may maiilang, na hopefully pag nagkaroon na ito ng puwang sa entablado, maiilang para sa mga angkop na rason.

Naging peg sa proyekto ang dulang The Dumb Waiter ni Harold Pinter (na may laro sa pananahimik at paghihintay), pati ang Fiction part sa pelikulang Storytelling (na gumamit naman ng tensyon at relasyon ng propesor at estudyante para magtawid ng pagtitimbang tungkol sa totoo at imbento).  Nangyayari ang dula sa loob ng isang hotel/motel/inn na pinangalanang Makrotel.  Magkasama sa isang silid sina Miguel, isang publicity officer sa isang ahensya sa gobyerno, at si Rap-rap, isang teen star/let.

Syempre, ang nagpapa-excite sa akin dito ay ang fantasy casting, yung pag-iisip ko ng mga pwedeng umarte dito pag nagkaroon na ako ng maraming perang pang-produce.  Para kay Rap-Rap, kayang-kaya na ni Sky Abundo ‘yan.  Pag naging mas close na kami nina Kalil Almonte saka Abner Delina sa oras na may pang-produce na ako nito, yayayain ko rin sila kasi mahuhusay silang mga aktor na bagay naman sa papel.  Well, kung oks lang sa kanila ang hinihinging medyo mga mahalay na bahagi ng dula.

Para kay Miguel, sa ngayon, mukhang si Gino Ramirez na ang aarte dito.  Maning-mani na lang sa kanya ang range ng mga emosyon at kilos na kailangang ipakita ni Miguel dito.  Balang araw, mapapanood din natin si Gino at ang mga gaganap bilang Rap-Rap.  Sa ngayon, patikim muna.

4

Makikita sina MIGUEL at RAP-RAP na naglilingkisan ng katawan sa ibabaw ng kamang nasa gitna ng entablado. Sa stage left ang direksyon ng banyo. Sa stage right naman ang direksyon papunta sa pintong palabas ng silid. Unti-unting nagiging agresibo ang pagtatalik ng dalawa, hanggang sa mangibabaw si Miguel. Sasampalin ni Miguel si Rap-rap, sabay hahalikan nang mariin. Itatalikod ni Miguel si Rap-Rap, duduraan ang puwitan, maya-maya’y didilaan ito. Kukuha ng condom si Miguel at sisimulang ipasok ang ari niya sa puwitan ni Rap-Rap. Lalapit siya sa tenga ni RapRap.

MIGUEL
Sabihin mo…”ang laki ng titi mo.”

RAP-RAP
Ano po? Aray.

MIGUEL
Yung titi ko, sabihin mo ang laki ng titi ko.

RAP-RAP
(Habang umuungol) Ang..ang laki ng titi ko.

MIGUEL
Gago, hindi titi mo, yung akin, yung titi ko.

RAP-RAP
Yun po ang sabi ko…

MIGUEL
Hindi…”titi mo, ang laki-laki po ng titi mo…”

RAP-RAP
“Titi mo” po?

MIGUEL
Oo…ayan…

RAP-RAP
“Ang laki…ng titi mo…po..”

MIGUEL
Wala nang “po!”

RAP-RAP
Ang laki ng titi mo…

MIGUEL
Yan..tama..sabihin mo, ang sarap ng burat mo…

RAP-RAP
(Nauutal dahil sa pag-alog) Ang-sa-rap-ang-sa-rap-ng-bu-dahan dahan lang po…

MIGUEL
Tangina tuloy mo lang!

RAP-RAP
(Nauutal) Ang-la-ki-ang-sa-rap (paulit-ulit)

MIGUEL
Ayan…ayan bok! Sigaw mo pa bok!

RAP-RAP
(Mas mabilis) Ang-la-ki-ang-sa-rap…

MIGUEL
Ayan…ayan bok, ayan na eto na ‘ko tangina mo!

RAP-RAP
(Mas mabilis) Ang-la-ki-ang-sa-rap…

Bibilis ang pag-ayuda ni Miguel hanggang sa makitang lalabasan siya habang nakapasok sa loob ni Rap-Rap. Mapapabagsak ang dalawa. Hindi kikilos nang ilang saglit. Maya-maya’y babangon si Miguel, mag-aalis ng condom. Magsusuot siya ng boxers, kukuha ng sigarilyo at sisindihan ito. Unti-unting gagalaw si Rap-rap, hahagilapin ang brief sa mga nakakalat na damit sa sahig. Katahimikan.

MIGUEL
Hindi ka nakapagpalabas.

RAP-RAP
Okey lang po. (Patlang) CR lang po ako.

Dadamputin ni Rap-rap ang kanyang brief sa sahig bago pumunta sa banyo. Hahanapin naman ni Miguel ang remote ng TV at bubuksan ito. Magpapalipat-lipat siya ng mga channel, hindi makikita ang mga imahen pero maririnig sa voiceover ang mga palabas.

VO
…Sa Shambhala City sa Cotabato nagmartsa ang libo-libong magsasakang biktima ng El Nino…(maglilipat ng channel)…halos isang linggo na simula ng trahedya para sa mga magsasaka ng Shambhala…(maglilipat ng channel)…as the mobilization of the Shambhala farmers were countered by a violent dispersal from the Philippine National Police…(maglilipat ng channel)…tatlong kumpirmadong patay, walumpu’t anim ang dinakip ng pulis at daan-daang magsasaka ang nasugatan…(maglilipat ng channel) at the wake of another tragedy, the country asks–where is the president…(maglilipat ng channel)…Curry scored 27 points, making the Warriors the second team to win 70 games in one season, wrapping up home-court advantage throughout the playoffs…

Magbabalik si Rap-Rap na nakasuot na ng brief. Mauupo siya sa kama habang nakatutok naman si Miguel sa TV. Pagkalipas ng ilang segundo ay unti-unting hihina ang audio ng kanilang pinapanood. May awkward na kawalan ng imik sa pagitan ng dalawa.

MIGUEL
Mas maliit ka pala sa personal.

RAP-RAP
Po?

MIGUEL
(Ibababa ang remote at kukunin ang sigarilyo) Sa TV, mas mukha kang mataas kako. Yosi?

RAP-RAP
Hindi na po. Salamat.

Patlang.

MIGUEL
Kung nag-aalala kang hindi ka mababayaran, relax ka lang bok. Nasabihan ka naman siguro kung sino ang makakatrabaho mo. Mahiga ka muna, bok. Ayan o, NBA, tangina playoffs na nga pala. Manood muna tayo. Sino ba team mo, bok?

RAP-RAP
Hindi po ako nanonood ng NBA.

MIGUEL
Bok, di ba sabi ko wag ka nang mag-“po?”

RAP-RAP
Sorry po…sorry.

MIGUEL
Sigurado kang ayaw mong magyosi?

RAP-RAP
Sabi sa sign sa labas, bawal magsigarilyo loob ng Makrotel.

MIGUEL
(Matatawa) Bawal? Teritoryo natin ‘tong Makrotel, bok! Di mo ba alam kung sino’ng may-ari nito?

Patlang

MIGUEL
Sige, sige, para sa iyo bok, papatayin natin ‘to. (Patlang) Alam mo bang paborito ka ng misis ko?

RAP-RAP
May asawa pala kayo.

MIGUEL
Oo tangina (ipapakita ang palasingsingang may wedding ring). Patay na patay sa iyo ‘yon, bok, sinasabi ko sa iyo. Doon pa lang sa “Make Your Star,” di ba dun ka unang lumabas? Ginagaya pa niya yung opening line nun–yung “dream, believe, dream some more, until you make your star!” Ganun yun di ba bok? Hanggang dun sa mga teleserye mo, alam ni misis yun. Yung “Manilenyo in Manhattan,” “Barista Royalty,” “Sundalong Pangkalawakan” saka doon sa “Alindog ni Adonis.” Tangina bok, totoo ba yung kwento mo dun sa “Make Your Star?” Yung nakita kang umaakyat sa puno ng aRatilis (emphasis sa “R”) kaya ka na-discover, at saka ang tanghalian ninyo minsan ay puro aRatilis at pandesal?

RAP-RAP
May katabi lang pong aLatiris (emphasis sa “L”) doon sa may simbahan noong na-discover ako ng handler ko, dun po sa “Lakan ng Pagsanjan.” Naisip lang niya po na baka mas mabenta sa audience dun sa “Make Your Star” kung ang kwento e nasa taas ako ng aLatiris noong nakita nila ako.

MIGUEL
(Mapapaisip) ARatilis ba o ALatiris?

RAP-RAP
Alam ko po, aLatiris. Kahit ano naman, okey lang sa ‘kin. Umaakyat naman ako dati nun, lalo pag summer.

MIGUEL
Ako rin bok, dati, pag summer, umaakyat din ako sa aratilis. Kami ng mga barkada ko. May dala-dala pa ko’ng tabo, o yung lata ng gatas.

RAP-RAP
(Magiging mas komportable) Mahilig din pala kayo sa alatiris.

MIGUEL
Oo naman! Batang-kalye to bok! Aratilis, santol, mangga! Lahat inaakyat namin, minsan tinatalon, pag di kayang umakyat. Yung aratilis, paborito ko yun. Kasi matamis.

RAP-RAP
Onga po, matamis, pumuputok pa sa bibig.

Lalapitan ni Miguel si Rap-Rap.

MIGUEL
Oo bok. Matamis. Parang ikaw.

Lalaplapin ni Miguel si Rap-Rap.

MIGUEL
Sigurado ka bang ayaw mong magpalabas?

RAP-RAP
Ayos lang ako.

Patlang. Unti-unting lalayo si Miguel para maipagpatuloy ang kanyang kwento.

MIGUEL
Ayun nga bok, yung aratilis. Dati, kaming magbabarkada, pupunta kami doon sa kapitbahay, sa taas ng kalye, doon may malaking damuhan na may puno ng aratilis sa gitna. Nagta-tumbling muna kaming magbabarkada, Si Ely, si Jess, si Notnot, lahat andun. Bok, naabutan mo ba yung Ninja Kids? Idol namin yun, sina JC Bonin, Herbert Bautista, lahat! Nagluluksong-baka kami, pero imbes na lukso tamblingan sa likod ng taya, kunwari mga ninja kami. Pag napagod mag-tumbling, wrestlingan naman, WWF bok. Summerslam kada hapon, Wrestlemania nina Ultimate Warrior, Hulk Hogan, syempre Randy Macho Man Savage ako. Pagkatapos, magugutom kami bok, kaya ayun, akyatan na sa aratilis. Ako ang pinakamabilis umakyat!

RAP-RAP
Talaga?

MIGUEL
Oo naman! May isang beses, nag-unahan kaming umakyat sa puno ng aratilis, yung matalo manlilibre ng RC o kaya ng palamig, basta may pustahan. Tapos, unahan na. Ayan, wala, wala silang lahat sa ‘kin niyan. Mga sampung segundo pa lang, asa taas na ako. Kaya lang, may isang beses, pag-akyat ko, nauna na naman ako ha, dumiretso ako sa isang sanga, ginapang ko, putsa dun kasi yung pinakamaraming bunga e. Partida hawak ko pa yung gawa-gawa kong tabo nun ha. Tapos…

RAP-RAP
Tapos?

MIGUEL
Ayun, excited na akong mamitas, paisa-isa bok, ayun, kulay pula, bilog na bilog, sumisirit yung katas pag pinuputol ko mula sa sanga. Ang tamis! Nakakalahati na yung tabo ko…tapos…

RAP-RAP
Tapos?

MIGUEL
Tapos…

RAP-RAP
(Excited) Tapos?

MIGUEL
Tapos, may bumagsak sa tapat ko. Akala ko dahon. Pucha palakang puno pala. Isang pulgada lang ang layo sa ilong ko. Nakipagtitigan siya. Berdeng-berde yung balat, parag uhog. Dilat na dilat yung mata, kulay dugo na may itim sa gitna. Tapos…Ayun! Bok, tangina, yung palaka tumalon sa mukha ko!

RAP-RAP
(Excited) Grabe naman! Tapos? Tapos ano’ng nangyari?

MIGUEL
Tapos, napabitaw ako sa sanga…tapos…

RAP-RAP
Naku! Tapos?

MIGUEL
Tapos…tinubuan ako ng pakpak,

RAP-RAP
Ha?

MIGUEL
Oo bok! Nahulog ako, tapos tinubuan ng pakpak! Tapos kumampay ako, lumipad ako nang lumipad nang lumipad nang lumipad…tapos napunta ako sa langit..tapos nakita ko si San Pedro tapos nagkantutan kami tangina bok andaming lumabas sa etits ko nilunok ni San Pedro lahat…(matatawa) Pucha bok, talagang ang dali mo lang utuin ano?

Pagtatawanan ni Miguel si Rap-Rap.

1

At ayun.  Salamat sa mga nakibasa mula umpisa hanggang wakas ng Agosto.  Sana’y may naiambag naman sa inyo ang mga naisulat dito, kahit paano.  Kitakits!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.