
Palagi namang mas malaki ang loob
para di mapag-iba ang baba’t taas.
Kaya ang dibdib, parang bumubulusok
kahit sa hiraya’y astang lumilipad.
Walang kating di abot ng talampakan
lalo’t abot-kamay maski mga tala,
basta maimbitahan sa paglalakbay
ang sinumang ituring na pinagpala.
“Alalay,” “kaniig,” “katuwang,” “katoto,”
sa anong tawag ka ba mas maaakit?
Ulap ang pagtanaw sa ngiti’t siphayo,
Di mabanaag, hubog na iniibig.
Kung ang misyon mo’y lunas sa kumplikasyon,
masasaktan ka lang—di ka kasi doktor.
(Akin yung picture, yung toys hindi)