Kain!

Palagi kong ikinukuwento na noong 2003, nagsisimula pa lang akong magtrabaho at dahil nagsisimula pa lang ay mailap ang maraming pera.  Isang partikular na gabi noong 2003, nagkataong hindi ko nabalanse nang maigi ang nasuweldo sa nakaraang kinsenas.  Sapat lang ang pamasahe para mag-commute mula sa trabaho sa Ateneo papunta sa mga kaibigan sa UP, hanggang sa tumambay saglit sa may Glory’s Supermarket sa may Tandang Sora, kung saan maghihintay ako sa nanay na may sasakyan.  Kasama ko ang dalawang kaibigan, na may saktong pera lang di para sa pamasahe pauwi sa bahay nila, pamasahe at pambili ng yosi.  Nagyosi-yosi sila habang hinihintay namin si Mama na galing sa Laguna.  Kumakalam ang tiyan, pero walang magagawa dahil walang pambili ng hapunan.  Doon ako nangako sa sarili na magigipit ako sa pambili ng damit o techie stuff o libro o anuman, pero darating ang araw na kapag nangulit ang gutom ay hinding-hindi ako mawawalan ng pambili ng pagkain.  Sa ngayon ay masuwerte naman at natutupad ko pa rin ang pangakong iyon, para sa akin at sa mga taong malapit sa akin.  Sana’y tuluy-tuloy lang.

Kaya heto, kaunting mga larawan mula sa pagkain adventures nitong nakaraang buwan.  Kaunting pangtakam lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.