Baka totoo ang sinasabi ni Buffy: life’s a show, and we all play our part; and when the music starts, we open up our hearts.
Life’s a vampire lately, it sucks. Maraming plano ang hindi nasusunod. Maraming gustong mangyari na hindi masyadong pumapabor. Minsan, ang buhay ay isang videoke bar sa may Morato, kung saan ang songbook ay hindi nakasunod sa alphabetical order. At ang kaisa-isang kantang gusto mo talagang isigaw sa maliit na sound-proof na mundo ay nawawala:
Pero gumagawa ng paraan. The show must go on. Pag may hindi mahagilap, gamitin ang nariyan. Ang mahalaga, tuluy-tuloy lang. Sabi nga ng guro dati, mahalin mo lang ang isang disiplina, mamahalin ka rin niya pabalik. Iniisip kong sa lahat ng sablay, sugat, at sakit, kakanta ako ng mga awit na palaging tungkol sa pag-ibig.
Madalas akong natatameme, hindi ako sanay sa gulatan. Minsan iniisip ko, walang ibang magagawa kundi manood, hayaang mabuklat ang hindi pa nagpapakitang kapalaran. Pero ewan ko, masyado lang talaga yata akong makulit o mayabang. Naniniwala sa audience participation. Baka may kontrol naman ako sa mga susunod na kabanata. Baka walang nabubuklat na hindi naman itiniklop sa umpisa. Baka may mga kilos na pwedeng sadyain kahit mukhang hindi sadya, katulad ng pagtupi sa lumang diyaryo’t paggupit-gupit para bumuo ng mga manikang papel. Baka may paraiso sa mga sugat na ibinigay at tinanggap, at may surpresa sa mga pirasong itinapon at itinira.
Interesado ako sa kung paano lalapat at magdidikit ang mga eksenang nangyari na’t paparating pa lang.
At habang hindi pa natin napagtatagnitagni kung saan talaga papunta ang lahat ng ito, ipinagpapasalamat ko ang mga kaagapay sa pagtatanghal, mga katoto sa palabas, mga tagasalo ng hindi maabot na linya sa kanta, mga karamay sa pag-indak at pagkumpas, sa pag-upo at paghihintay.
Natatakot ako sa mga pagtatapos, habang natatakot na naee-excite sa maraming mga bagong umpisa.
At oo, matagal ko nang alam na ang mga hirit ko ay just a little bit lost in middle, life is a maze and love is a riddle. But what can i do, hindi ako yari sa bato. and it’s too much, yeah it’s a lot, to be something I’m not.















































