Mga mata ko’y minulat
at tumingala sa ulan,
at pumatak ito sa ulo
at dumaloy sa isipan,
at ang tanging naririnig nang mahiga sa kama ko
ay ang pispis-paspas ng ulan sa aking ulo.
Yumayapak ako nang kay tahimik,
naglalakad ako nang kay hinahon.
Di ako pwedeng tumiwarik
baka ako’y tumapon,
kaya patawad sa kabaliwang ngayo’y nasabi ko—
Iba lang talaga ako pag inuulan ang aking ulo.