“Ito ang paraiso, bulong ko sa aking sarili, ang paraiso’y isang babaeng naglalaro ng mga bula ng sabon, kapiling ang kanyang mga anino, kapiling ang kanyang mga sandali.”
–mula sa “Ang Lohika ng mga Bula ng Sabon” ni Luna Sicat Cleto
Sa aking kaso, isang trenta’y unong lalakeng naglalakad sa isang gusali sa UP ang paraiso, sa isang mahabang hallway kung saan nag-aasta siyang pinakagwapong modelo sa buong mundo. Kapiling niya ang mga aninong nakabalot na parang pabalat sa pastillas. Sa tamang ilaw at anggulo, makikita ng iba ang kanyang paraisong anino na katulad ng pagtingin sa langib ng balat na nagsugat.