Tambay Times

 

First time kong magpakain sa opisina ko sa UP.  Yung pakain na mala-picnic, yung ineffort ang pagpapasaing sa bahay, pagdadala ng mga plato, paghahanap ng bilihan ng lutong ulam na sakto sa 10:30 a.m. na paghahanap, na sasakto sa 11:30 ng kainan.  Masikip ang kuwarto para sa dami namin, pero nairaos naman.  Masayang magkaroon ng bisita.

Nai-imagine ko tuloy na masayang gawing parang crowded house of sorts ang opisina namin, kaya lang ay may kasama ako sa kuwarto.  Pero oo, masayang magkaroon ng bisita, kain-kain, mababaw na kuwentuhan.  Syempre’y pagkatapos ng kainan, balik sa reyalidad ng mga klase at trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.