Mainit ang panahon at maaliwalas ang sikat ng araw, perfect na sandali sana para lumabas at lumakad-lakad. Pero nakakulong ako sa bahay, kombinasyon ng pahinga at pagsasangtabi ng mga nakapilang gawain (na hinihiling ko sa sariling gawin na pagkatapos ng mahaba-haba ring pagpapaliban). Habang ineenjoy ang medyo mas mabilis na internet, heto’t nagpicture ng mga tutang nasa kabilang bahay. Wala pa silang pangalan kahit medyo lumalaki na sila, kaya lagi ko silang sinisigawan ng tatak na “Puppy.” Sa ngayon ay tumutugon naman sila sa tawag na iyon.



