Flowers in the Computer Window

Wala naman masyadong palabok ang post na ito.  Gusto ko lang ibahagi na kanina, nakatapos akong mag-check ng ilang klase na tinuturuan, naisipang mag-jog, at biglang pumasok sa isip na nadaanan ko noong nakaraang araw ang mga sunflower sa may university avenue.  Gusto ko silang kunan ng litrato, habang may bulaklak pa.

Nagawa naman ang plano.  Napansin ko lang na mabilis ang tubo ng mga bulaklak ngayong taon.  Marami sa kanila ay bulok na kahit malayo pa ang graduation, na dapat sana’y ang okasyong pagsisilbihan ng mga bulaklak bilang dekorasyon.  At syempre kahit may naiisip naman talaga akong talinghaga tungkol sa mga pamumukadkad at pagkabulok nang wala sa oras, sinasabi ko lang naman talaga ang aking obserbasyon sa pinakaliteral nitong saysay–na nag-picture ako at may nakitang mga bulaklak na halos pabulok na agad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.