Buwan, Buwan

Pare-pareho lang ito sa iba, pero sa akin, ito’y tagamarka ng mga sandali, ng pagbabalik-tanaw at pag-usad.  Ang tagabigay ng ngiti, ang nag-aalok ng kabilang panig, ang nagsasabi ng “kaunti na lang, kaya mo yan,” ang nagtatakda ng pagkabuo, ng isang kaganapan.  Tumitingin ako dito’t binibilang ang mga bagay na mahirap bilangin–pangako, damdamin, syempre’y mga pangarap.  Dahil sa bandang huli, pagkatapos ng lahat-lahat, inaabangan ko pa rin ang pangangamusta nito, doon sa bintanang katabi ng kama sa aking silid, inaabangan ang oras na may katabing maipapakita itong mahiwagang liwanag, at igagalang niya ito katumbas ng paano ko ito pinahahalagahan.

Saka syempre gusto kong ipakita na kaya kong makakuha ng disenteng picture ng buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.