Pasado Ala-Una*

Pasado ala-una.  Siguro’y tulog ka na.

Ang Balatas** ay lumalagaslas na pilak sa magdamag.

Magmadali’y hindi ko balak; sa mga telegramang kidlat

ako’y walang dahilan para gisingin ka o istorbohin.

At, gaya ng sabi nila, ang nangyari ay nangyari na.

Ang bangka ng pag-ibig ay sumalpak na sa pangkaraniwan.

Ngayon tayo ay patas na.  Kung gayon bakit pa mag-aabalang

balansehin ang pareho nating mga pighati, sakit, at pinsala.

Malasin ang katahimikang lumulukob sa mundo.

Bumabalot ang gabi bilang  pagpupugay ng mga tala.

Sa mga oras na tulad nito, may bumabangon upang tumugon

Sa pagpapanahon, kasaysayan, at paglikha.

 

 

*Galing dito ang tula.

**Balatas = Milky Way

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.