7 – Mula sa “Walang Kuyugan.”

Nakatrabaho ko noong 2012 si Mary Jeane Egloso para sa kanyang thesis sa College of Music.  Naatasan akong gumawa ng salin/adaptasyon ng “The Impresario” ni Mozart.  Ang orihinal ay pumapatungkol sa paghahanap ng isang producer/direktor ng panibagong palabas na magugustuhan ng mga manonood.  Umaandar na tema ang labanan ng bago at luma, ng matanda at bata.

Para sa adaptasyon, ginamit na inspirasyon ang teleserye culture, na ihinalo naman sa isang karakter na mala-Kuya Germs.  Magkalaban sa proyekto ang isang batikan pero matanda nang artista (si Bella Flowers) at ang batang pop star (China Pearl Hortaleza).  Sa siping naka-upload, ipapakita ang pagpapa-audition sa role ng doktor.  Nagkataong binatilyong starlet na magaling sa sexy dance ang nakapila para sa role, dahil ito raw ang mabenta.

***

3

KUYA GEMS:
Mister S, Johnny, sigurado ba kayong mapu-push through natin ang teleseryeng ito?

JOHNNY:
Operaserye, Kuya Gems! And of course bebenta yan!

MISTER S:
Nasa packaging lang yan, Kuya Gems. At gaya nga ng sabi ni Johnny kanina, pabalat lang iyang si Bella Flowers, pa-high art for a few days, a few weeks pag kinagat ng audience. Always on standby ang younger, better replacement sa oras na hindi na kagatin ng masa ang something new natin!

JOHNNY NIGHT:
Something new, na something old, bilang may pagkalaos na iyang si Miss Flowers sa Theater Scene!

KUYA GEMS:
Johnny!

MISTER S:
Totoo naman Kuya Gems. E magti-TV ba yan kung may ibang choice? She needs us, as we need her. Business lang, business! At speaking of business, wala pa ba yung younger, better replacement?

JOHNNY NIGHT:
Pinacheck ko na pero on the way pa lang.

MISTER S:
Dalawang oras na iyang on the way na yan. Mga starlet talaga, sumikat lang nang kaunti nawawalan na ng manners.

JOHNNY NIGHT:
Unahin na lang muna natin yung audition para sa plastic surgeon?

KUYA GEMS:
So may naghihintay na pala for that role ano?

MISTER S:
Minor role lang siya and we can actually cast anyone, pero nagpa-audition na lang din, may kumagat naman.

JOHNNY NIGHT:
(sesenyas sa isang tao offstage), okey pasok ka na Mike.

Papasok si MIKE, shirt and jeans ang getup.

MIKE:
Gandang umaga po. Mike Bate-bate po.

KUYA GEMS:
Hello Mike Bate-bate. (kina Johnny at Mister S). Parang ang bata naman niya to play the role of a plastic surgeon.

JOHNNY NIGHT:
Okey lang yan, idadaan na lang natin sa makeup at effects yan Kuya Gems.

MISTER S:
Mabentang-mabenta kasi ang bagets look sa audience, saka anyway auditions pa lang naman.

KUYA GEMS:
So Mike, ano pala ang audition piece mo. Kumakanta ka ba? Dramatic reading?

MIKE:
Magsasayaw po.

KUYA GEMS:
Oh..magsasayaw. (kina Mister S at Johnny) akala ko ba doctor ang role nito?

MISTER S:
Just go with it.

JOHNNY NIGHT:
O sige lang Mister Bate-bate, show us your stuff.

MIKE:
Sige po.

Magsasayaw si Mike ng sa simula’y hip-hop na pa-teen star na sa huli’y magiging sexy bastusin dance. Magugulat si Kuya Gems pero sina Mister S at Johnny Night ay parang handa na.

MIKE:
Salamat po. Ayos na po ba yun?

KUYA GEMS:
SIge Mike, we’ll call you pag naayos na naming yung ibang major roles ha.

MIKE:
Sige po, thank you po.

Aalis si Mike.

KUYA GEMS:
Johnny, plastic surgeon ang kailangan natin sa Operaserye, hindi macho dancer.

MISTER S:
But sex sells, Kuya Gems!

KUYA GEMS:
Pero DOKTOR ang papel niya!

JOHNNY NIGHT:
Covered na yan Kuya Gems. Gagawin natin siyang doctor…na may madilim na nakaraan! Isang med student na nag-macho dancer para magbayad sa kanyang pag-aaral. Gustung-gusto yan ng masa!

MISTER S:
We’ll hire the best writers for that. Hindi natin kailangang pag-isipan yan!

KUYA GEMS:
I still don’t get it.

JOHNNY NIGHT:
Kuya Gems, wag mo na munang isipin yan, because andito na ang second half ng Kuya Gems’ Jewels. (sesenyas offstage). Andito na si…China Pearl Hortaleza!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.