
Kung hindi magdasal ang baong intensyon,
mainam marahil ang huwag tumuloy.
Kung aakyat namang liwanag ang pakay,
hihilom ang sugat; bababang may gaan.
Kung pagpapalain, baka magpakita
kawangis ni Rizal—parang malikmata.
Pag nakatuwaan, dinig ang kons’yerto
doon sa Balete—rondallang maligno.
Magsanga-sanga man ang daang matarik,
maghintay, magmasid, namnamin ang paligid.
Laging may kasamang babalik, aakyat,
alok ay lambanog at ang wastong landas.
Bago pababain, sa iyo’y may handog,
hapunang tinapa at ginisang kadyos.
