Wirdo itong araw na ito. O may mga wirdong bahagi. Marami akong duda sa mundo, pero walang kaduda-duda na palagi pa rin akong kayang gulatin nito.
Pero kahit naalog nang kaunti, may mga planong naisagawa pa rin. Isang supresa para sa minamahal, takbo sa oval, at eto–ang planong pumichur-pichur sa mga ilaw ng Quezon Hall. Totoong detached yata ako sa mas malaking mundo ngayon, limitado ang functions ng utak. Pero pinipili kong tuparin ang mga gawaing kayang magagap ng kamalayan ko sa ngayon. Kasama ng isang kaibigan, naisagawa ko ang planong photo-op.
Sa proseso ng picture-taking, napag-usapan namin si Sharon Cuneta at kung paano siya nag-disintegrate sa huling bahagi ng TV5 Christmas ID. Isang literal na pasabog via CGI.





