palabas

Si Prinsipe Bahaghari

Sa paglipas ng lampas tatlong taon sa buhay nitong si PB, bukod sa mga bagong natutuhan, nagkaroon din ng mga bagong kaibigan at kabahagi sa pagbuno sa misteryo ng paglaki, pagmamahal, pag-alala at paglimot, at pagtawid sa mga hindi pa nadidiskubreng lupain at karanasan. [...]

Hinga

Kung mas maraming oras at mabait ang pagkakataon, uulitin ko na naman ang pagkukuwento kung saan ang pagmamahal, ang pagkukuwento, ang pag-aabang, lahat ng ito ay naikakabit sa katangian ng pagiging ina. Nagmamahal/ may minamahal kaya isinasawika; may inaabangang pagdating—isang makabuluhang kausap o kakuwentuhan, isang ideyal na karelasyon, isang pinapangarap na perpektong mundo— [...]

Playwright’s Fair 2022

Nagsimula ako bilang taong mahilig manood ng dula, na naging tagalitrato ng mga dula, at minsanang tagatingin sa gamit ng Filipino sa dula (para ito sa Orosman at Zafira 2010 ng Dulaang UP). Pagkalipas ng ilang taon sa ganitong mga papel, napagkatiwalaan akong magsulat bilang collaborator sa Rizal X ng DUP noong 2011, at nagsimulang magsalin at gumawa ng mga adaptasyong noong 2012. [...]