
Sarado ang Simbahan Noong Pasko ng Pagkabuhay
Bakit hindi ninyo sinigurado? Saan na tayo pupunta? Kanino tayo magtatanong, wala namang ibang taong makokonsulta? Saan pa ba may misa? Mula sa magkahalong puyat, gutom (wala pang nakakapag-agahan), at panghihinayang (sa oras, sa nawalang tulog, sa planong hindi nagawa), ang simpleng target na magsimba, magpasalamat at maging masaya ay naging paligsahan sa kung sino ang mas matalas ang memorya, kung sino ang mas tama, o kung sino ang mas marapat na maasar.
[...]