
Marunong na Akong Mag-unlitxt, pero hindi pa rin Marunong Umibig ang Puso Ko
Nakakatuwa kung iisipin, kung magiging pilosopo lang. Na susunod ang isang tao sa isang bahagi ng katawang nakakulong din naman, presinto sa sarili nitong ribcage at sa pumpon ng mga maselang organo, pero kahit ganito’y pagkalakas-lakas pa rin ng bulong, kay lakas mang-istorbo ng pangungulit na kumawala. Nakakatuwang pansinin ang ganitong parikala, tulad ng nakakatuwang pansinin ang mga kaakibat na paralelismo.
[...]