school

Iba’t Ibang Salita, Para Kanino? Mensahe para sa Frankfurter Flotilla, 16 Oktubre 2025

…at, bagaman may mga nagsasabing walang bisa o epekto ang boycott ang iba pang kaugnay na pagkilos, base sa mga hirit at pasaring sa social media tungkol sa maraming kulay ng katotohanan o maraming bandila ng panitikan o maraming mukha ng paghihimagsik, ramdam nating sa gitna ng rikit at kinang ng liwanag sa Frankfurt, nakatingin sila, nakikinig at nagbabantay sa mga kasunod nating hakbang. [...]

Kuwentong POP (Pilosopiya, OPM, Pag-ibig)

Sa huli, laging may paalala na ang akto ng pagsusulat, ng pagsasawika, ay akto ng pag-ibig. Tayo ay nagmamalasakit, nag-aalala, nagpapahayag ng mga kumbinasyon nitong paghanga-pagtataka-panibugho-pangungulila-kapanatagan-kaligayahan (sana, sana all maligaya), umiibig kaya itinatangkang ilapat sa mga salita ang lahat ng damdaming malikot at mailap hanapan ng saysay o lohika.  At sa kakulangan ng mga sariling salita, nariyan ang pagkilala at pakikiramay mula sa mga kasamang nakakaranas at iminumuwestra ang parehong dusa—silang gumagawa ng mga kritika, larawan, pamimilosopiya, ng musika. [...]