Playwright’s Fair 2022

Nagsimula ako bilang taong mahilig manood ng dula, na naging tagalitrato ng mga dula, at minsanang tagatingin sa gamit ng Filipino sa dula (para ito sa Orosman at Zafira 2010 ng Dulaang UP). Pagkalipas ng ilang taon sa ganitong mga papel, napagkatiwalaan akong magsulat bilang collaborator sa Rizal X ng DUP noong 2011, at nagsimulang magsalin at gumawa ng mga adaptasyong noong 2012. [...]

Sarado ang Simbahan Noong Pasko ng Pagkabuhay

Bakit hindi ninyo sinigurado? Saan na tayo pupunta? Kanino tayo magtatanong, wala namang ibang taong makokonsulta? Saan pa ba may misa? Mula sa magkahalong puyat, gutom (wala pang nakakapag-agahan), at panghihinayang (sa oras, sa nawalang tulog, sa planong hindi nagawa), ang simpleng target na magsimba, magpasalamat at maging masaya ay naging paligsahan sa kung sino ang mas matalas ang memorya, kung sino ang mas tama, o kung sino ang mas marapat na maasar. [...]

Understanding the Reference: Ang Ating mga Pag-uugat, Pag-uugnay, at Pananalig sa Komunidad ng Pagtuturo at Pagsusulat

Sa mga aralin sa pagtatawid ng kaalaman mula sa iba’t ibang anyong pampanitikan, humugot tayo sa iba’t iba nating mga “what if.” What if ang totoo para sa akin ay hindi totoo sa iba. What if itinatanghal ng ating mga ehersisyo sa online na dula, kasabay ng ating kanya-kanyang mga pagka-logout at diskoneksyon, ang kakapusan at limitasyon ng ating access sa mga batayang serbisyo gaya ng kuryente at Internet. [...]